Showbiz News

Julia Montes, proud sa upcoming movie nila ni Alden Richards na 'Five Break-ups and a Romance'

By EJ Chua

Matapos ang movie reveal nina Julia Montes at Alden Richards, naging mas maingay na ang tungkol sa kanilang first ever team-up.

Sa media conference para sa kanilang upcoming film na Five Break-ups and a Romance na ginanap nito lamang April 18, ikinuwento ni Julia ang ilang detalye tungkol sa pagtanggap niya sa kanyang role at sa mismong project.

Ayon sa tinaguriang ABS-CBN Daytime Drama Queen, challenge raw para sa kanya ang kanyang karakter sa pelikula bilang si Justine.

Pahayag niya, “Siguro I can say, challenging ito sa akin… Kasi, bigyan mo ako ng nanay role, bigyan mo ako ng asawa na role, ganito, asawa na ganyan… okay, e parang medyo nasanay na. Kasi coming from 16 years old, nag-play na ako na may asawa. Parang nakasanayan ko na po siya eventually.”

Dagdag pa ni Julia, “Ito kasi, parang magta-tackle ka sa relationship and love, medyo overwhelming for me. And challenging siya in a way, kasi hindi ko pa ito nagagawa, e. So, parang ako din personally, napu-push ako kung papaano ko siya gagawin.”

Sinabi rin niyang nakakaramdam siya ng excitement tuwing pupunta siya sa set dahil kakaiba at bago raw talaga para sa kanya ang klase ng role niya sa movie na ito.

Pagbabahagi ng award-winning actress, “Na-e-excite ako every time kung ano 'yung mangyayari for that specific moment. Kasi talagang… clueless ako… Ito talaga bago po lahat sa akin. So, exciting! Talagang parang kasabay ko sa journey si Justine.

“Iyon 'yung overwhelming feeling and happy ako sa project na 'to, and proud ako sa project na 'to,” pahabol pa ni Julia.

Nang tanungin naman ang aktres kung right project ba ang Five Break-ups and a Romance para sa kanya, masaya niya itong sinagot.

Sabi niya, “Yes! Super yes! Kasi nung sinabi pa lang sa akin, medyo may moment… ganito akong tao… 'Pag may sinabi ka sa akin na kailangan kong pag-decide-an, kailangan ko pa 'yang pagnilay-nilayan, pagdasalan, 'Tama ba ito? Lord, please give me a sign,' may ganon pa ako. Pero ito, parang may feeling ako na hindi, ito 'yun.”

Proud ding sinabi ni Julia na sobrang tama ang kanyang naging desisyon na tanggapin ang proyektong ito kasama ang Asia's Multimedia Star na si Alden at ang batikang direktor na si Direk Irene Villamor.

Sabi niya, “Naniniwala talaga ako sa project. With this team-up, sobrang tama na nag-yes ako!”

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG NAGING KAGANAPAN SA MEDIA CONFERENCE NG FIVE BREAK-UPS AND A ROMANCE SA GALLERY SA IBABA: