Showbiz News

'Mga Lihim ni Urduja' director Jorron Monroy, may birthday wish para kay Arra San Agustin

By Abbygael Hilario

Star-studded ang 28th birthday celebration ng Mga Lihim ni Urduja star na si Arra San Agustin na ginanap noong Martes, April 25.

Kabilang sa mga dumalo ay ang co-stars niya sa mythical primetime megaserye na sina Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Luke Conde, Faith Da Silva, Billie Hakenson, at direktor nito na si Jorron Monroy.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Jorron ang kanyang birthday wish para sa Sparkle beauty.

Aniya, “Sana tuloy-tuloy yung pag-shine niya sa ating Kapuso Network dahil kita naman natin dito sa Mga Lihim ni Urduja na kakaibang Arra San Agustin yung napanood natin and ang wish ko talagang sana tuloy-tuloy na mabigyan siya ng proyekto this year na makakapagpakita talaga ng galing ni Arra.”

Samantala, binanggit din ni Direk Jorron ang mga dapat abangan sa huling pitong gabi ng Mga Lihim ni Urduja.

“Tuloy-tuloy na aksyon na. Puro bakbakan pareho sa present world at sa Urduja's world. Abangan nila kung ano yung mga hinanda naming action-packed scenes at abangan natin kung paano magtatagpo yung dalawang mundo,” saad niya.

TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: