GMA Logo Korean actor Kim Hyun joong
Photo by: hyunjoong860606
What's Hot

Korean actor Kim Hyun-joong wants to collaborate with this Filipino artist

By Aimee Anoc
Published April 28, 2023 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Korean actor Kim Hyun joong


Sa kanyang exclusive interview sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ng 'Boys Over Flowers' actor na si Kim Hyun-joong kung sinong Filipino artist ang gusto niyang makatrabaho.

Kung may Filipino artist na nais na maka-collab ang South Korean actor at Hallyu star na si Kim Hyun-joong, ito ay walang iba kung hindi ang OPM singer-songwriter na si Zack Tabudlo. Sinabi niya ito sa kanyang exclusive interview sa programang Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (April 27).

Bukod sa pagiging isang aktor, kung saan isa siya sa mga nagpasimula ng "second lead syndrome" dahil sa karakter niyang si Yoon Ji-hoo sa phenomenal series na Boys Over Flowers, kilala rin siya bilang isang singer.

Nag-debut si Hyun-joong bilang miyembro ng boy band na SS501 noong 2005. Ilan sa sikat na solo album niya ay ang Breakdown, Unlimited, at Lucky.

Ngayong araw (April 28), magkakaroon ng concert ang aktor na parte ng kanyang "The End of a Dream" world tour na magaganap sa MetroTent, Pasig.

Ayon kay Hyun-joong, muli siyang bumalik sa Pilipinas para makasama ang kanyang Filipino fans na matagal na naghintay sa kanya.

"Dahil po sa pandemic hindi tayo nagkita nang matagal at alam ko na maraming naghihintay na mga Filipino fans for me kaya gusto ko pong magbigay ng hope para po sa mga Filipino fans na naghintay sa akin," sabi ng aktor, base sa interpreter na si Sandra.

Panoorin ang buong interview ni Kim Hyun-joong sa Fast Talk with Boy Abunda rito:

MAS KILALANIN SI KIM HYUN-JOONG SA GALLERY NA ITO: