Showbiz News

'Maria Clara at Ibarra,' nananatiling number one show sa Netflix Philippines

By Marah Ruiz

Namamayagpag pa rin sa Neflix Philippines ang hit historical portal fantasy na Maria Clara at Ibarra.

Nagsimula itong mag-stream sa nasabing platform noong April 14 at nananatili pa rin hanggang ngayon sa first spot ng Top 10 shows at movies sa Pilipinas.

Bukod sa mga fans na tumutok sa telebisyon at gustong panoorin muli ang serye, marami ring bagong audiences across all ages na naaabot ang Maria Clara at Ibarra.

Kamakailan lang, nakatanggap pa ito ng makasaysayang international recognition nang maiuwi nito ang Bronze Award para sa kategoryang Entertainment-Drama mula sa prestihiyosong 2023 New York Festivals TV and Film Awards.


Taos-puso naman ang pasasalamat ng lead stars nito sa suportang natanggap ng serye.

"Wow, international na 'yarn? In fairness! Para po ito sa inyo," pahayag ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.

"Mula po sa lahat ng bumubuo ng 'Maria Clara at Ibarra,' muchias gracias sa inyong naging suporta," mensahe naman ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

"Tulad ko na nagmahal kay Binibining Klay, este, sa 'Maria Clara at Ibarra,' maraming maraming salamat po sa inyo at babu," lahad naman ni Pambansang Ginoo David Licauco.

"Ito ay isang makasaysayang pagkapanalo na kailanman ay tatak sa ating mga puso," sabi naman ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Bukod naman sa Netflix Philippines, maari ring i-stream ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa pamamagitan ng GMA Network app at sa GMANetwork.com/FullEpisodes.