
Unti-unti nang natutupad ang mga plano ni La-el (Seo Yea-ji)!
Alam na ni Silvia (Yoo Sun) na si La-el ang kabit ng asawa niya na si Connor (Park Byung-eun) kung kaya't pinag-iinitan niya ito at laging ipinapahiya sa harap ng maraming tao.
Imbes na matakot ay lalo namang tumatapang si La-el. Sisiguraduhin niya na magbabayad ang laat ng nanakit sa kanya at sa kanyang pamilya.
Sa #EveCrazy episode mamayang gabi ay pagtatangkaan ni Silvia na patayin ang sarili niyang asawa habang ito ay mahimbing na natutulog.
Tuluyan niya na kayang babawian ng buhay si Connor o pipigilan niya ang kanyang sarili?
Magtagumpay kaya si La-el sa kanyang mga plano?
Abangan sa Eve, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., at Biyernes, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG KOREAN MELODRAMA SERIES NA EVE SA GALLERY NA ITO: