Showbiz News

Dennis Trillo and Tom Rodriguez, masayang ibinahagi ang pagkakapanalo nila sa Pepsterâ??s Choice Awards


Dahil sa sunod sunod na awards na nakuha ng My Husband’s Lover, ano nga ba ang masasabi nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa kanilang historical pairing at sa kanilang pagkakapanalo ng Love Team of the Year award sa Pepster’s Choice 2013?

“Thank you talaga sa kanila [mga fans] kasi sila talaga 'yung gumagawa ng mga ganito para sa amin. Sobrang salamat sa kanila, all these recognition, are for them.” masayang pahayag ni Tom.

“Ayaw pa nilang tumigil!,” natatawang sagot ni Dennis.

Dagdag ni Dennis, “Salamat sa paniniwala, kasi tapos na 'yung show, pero hindi pa rin sila bumibitaw”.

Bukod sa award nina Tom at Dennis, nagwagi naman si Tom Rodriguez ng Breakout star of the year sa Pepster’s Choice 2013.

Ayon kay Tom, “It’s so flattering. Masarap din na siyempre, it’s the people, the pepsters ‘yung bumoto e. Kaya alam mo na kung sino ‘yung pinapasaya ng trabaho mo, kung kanino mo dinedeliver ‘yung trabaho mo, sila pa ‘yung nakaka-appreciate, napakasarap ng pakiramdam”.

Dahil nga sa tagumpay na tinamo ng My Husband’s Lover at sa dami ng fans nila Dennis at Tom, bukas nga ba sila na magsama muli sa isang proyekto?

Pahayag ni Dennis, “Nakakatuwa na kahit na tapos na ang My Husband's Lover, 'yung mga nagagawang projects namin na magkasama talagang sinusuportahan pa rin ng mga tumangkilik ng MHL. Kaya nakakatuwa”.

“Masaya e kahit nga noong Magpakailanman [episode], di naman kailangan na magbilang palagi [ng roles]. Ako kahit anong role game ako lagi,” pagtatapos ni Tom.

Para sa iba pang update mula kay Tom Rodriguez at Dennis Trillo, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com