
Para sa multi-awarded actor na si Tirso Cruz III, "very interesting, unpredictable, at refreshing" ang kuwento ng bagong seryeng gagawin sa GMA, ang murder mystery drama na Royal Blood.
Kuwento ng batikang aktor, agad siyang na-excite nang sabihin sa kanya ang magiging takbo ng kuwento ng Royal Blood.
"Well, it was very interesting. Nu'ng kinukuwento nila sa akin 'yung pinaka-gist nung istorya, na-excite na kaagad ako kasi maganda ito. Talagang it's a question upon another question upon another question as you continue to watch the series. We will try as much as possible to give that to you," sabi ng aktor sa GMANetwork.com.
Dagdag niya, "Kumbaga, kung family kayong nanonood, malamang pagkatapos ninyong manood magtatalo-talo na kayo dahil may kanya-kanya kayong conclusion."
Sa Royal Blood, makikilala si Tirso bilang Gustavo Royales, isang business tycoon at ama ni Napoy, na gagampanan naman ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Bukod kay Napoy, ang tatlo pa niyang mga anak ay sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin).
"Siya 'yung head nung family. He's a very stern man, he's very strong to the point na kung minsan 'yung akala niyang he's doing right, hindi niya alam nakakasakit na siya. Kumbaga, he's building a rift between him and his children because akala niya tama ang ginagawa niya. Nakakalimutan niya na dapat somehow mayroon din kayong relationship na soft.
"He's always very challenging in everything that he does. Ang feeling niya kasi, 'Ako na-challenge ako sa buhay ko, so kayo kailangan din ma-challenge kayo para matuto kayo,'" ang masasabi ni Tirso sa kanyang karakter sa Royal Blood.
Sa interview ng GMANetwork.com, nagbalik tanaw rin ang batikang aktor kung kumusta nga ba makatrabaho si Dingdong. Una nang nagkasama ang dalawang aktor sa GMA series na Sana Ay Ikaw Na Nga noong 2002 at Endless Love noong 2010.
"There was one show 'Sana Ay Ikaw Na Nga,' ang pangalan niya roon si Carlos Miguel, for a long long time, for so many many years, ang tawag ko sa kanya tuwing magkikita kami is Carlos Miguel. And ngayon mapapalitan na 'yan, iba na 'yung pangalan niya ngayon," kuwento ng aktor.
"But it was always been a very nice experience for me everytime I work with Dingdong. He's a very kindhearted man, he's very professional, and I can see he really loves his job. He's not here just for the glory, for the fame, no. He has his heart into the art itself, the craft of acting. Nandito siya for as long as he can deliver and give beautiful stories and characters to our viewers, he will try to give his 100 percent best."
Kasama sa star-studded na cast ng Royal Blood sina Megan Young, Dion Ignacio, Rabiya Mateo, Benjie Paras, Arthur Solinap, Carmen Sarmiento, at Ces Quesada.
Abangan ang Royal Blood, soon sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: