
Nag-file na ng divorce lawsuit si Connor (Park Byung-un)! Talagang desidido na siya na tapusin ang kanyang relasyon sa kanyang asawa na si Silvia (Yoo Sun).
Hindi naman papayag si Silvia na tuluyang sirain ni La-el (Seo Yea-ji) ang pamilya nila ni Connor. Gagawin niya ang lahat para pigilan si La-el sa kanyang mga plano. Uutusan niya ang isa sa kanyang mga body guard upang kunin si La-el sa kahit na anong paraan.
Sa #EveDanger episode mamaya, mapapanood ang gagawing pagsagip ni Andrew (Lee Sang-yeob) sa buhay ni La-el. Ililigtas niya ito laban sa mga tauhan ni Silvia. Ipapakilala na rin ni Connor si La-el bilang kanyang bagong kasintahan.
Ano kaya ang mangyayari kay Andrew? Tuluyan na kayang masisira ang relasyon nina Connor at Silvia? Magawa kaya ni La-el ang kanyang mga plano o sisirain lang ito ng pag-ibig niya kay Connor?
Abangan sa Eve, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., at Biyernes, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG KOREAN MELODRAMA SERIES NA EVE SA GALLERY NA ITO: