
Isiniwalat na ni La-el (Seo Yea-ji) ang tunay niyang pagkatao!
Sa pagkamatay ni Martha (Leel II-hwa), nalaman ni La-el ang tunay na rason ng pagkawala ng kanyang totoong ina. Nadiskubre niya sa gamit ni Martha ang isang emergency recorder kung saan narinig niya ang mga ginawang krimen ng pamilya ni Silvia.
Si Silvia (Yoo Sun) at ang kanyang ama na si Pablo (Jeon Gook-hwan) ang pumaslang sa kanyang mga magulang.
Galit na galit si La-el sa kanyang mga nalaman kung kaya't sisiguraduhin niya na buhay rin ang kapalit ng lahat ng hirap na naranasan niya.
Lalabanan niya ang pamilya ni Silvia at sisiguraduhing mabibigyan ng hustisya ang lahat ng inagrabyado ng pamilya nito. Babawiin niya rin ang LY Group kina Connor (Park Byung-un)!
Susubukan ni Connor na kausapin si La-el ngunit hindi niya ito pakikinggan. Makikipaghiwalay na rin siya nang tuluyan dito.
Abangan ang mas kapana-panabik nilang kuwento sa Eve, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., at Biyernes, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG KOREAN MELODRAMA SERIES NA EVE SA GALLERY NA ITO: