
Sa isa sa mga vlog ni Mariel Rodriguez-Padilla, mapapanood na nakasama niya si Bea Alonzo na gawin ang isang trending game.
Ang naturang vlog ni Mariel ay pinamagatang “Two Truths and a Lie with Bea Alonzo.”
Nang magsimula na si Bea na pahulaan kung ano lie sa kanyang tatlong sinabi tungkol sa kanyang childhood, labis na napaisip si Mariel.
Tila hindi makapaniwala si Mariel nang malaman niyang hindi lie ang sinabi ng Kapuso actress na naputol ang dila niya noon dahil sa pagkakadulas.
Pagbabahagi ng Love Before Sunrise actress, “Nadulas ako sa may aparador namin. Kinukuha ko 'yung pera na itinago ko sa taas ng aparador… Totoong nangyari 'yon.”
Paliwanag pa niya, “May kinukuha kasi ako… pumunta ako sa chair, umano ko sa chair para kuhanin ko 'yung ipon ko. Tapos pagbaba ko ng chair tumakbo ako tapos nadulas ako sa basahan, tapos nakagat ko 'yung dila ko. Pagtakbo ko sa nanay ko, nakita ko ang daming dugo… nakalambitin lang 'yung [dila ko]. Nahimatay 'yung nanay ko.”
Ayon pa kay Bea, natakot siyang baka makaapekto ang nangyari sa kanyang pagsasalita.
“Akala ko magkakaroon ako ng speech defect… Thank, God, hindi naman, nabuo naman.”
Samantala, tulad ni Mariel, bukod sa pag-arte ay abala rin si Bea sa pagiging vlogger.
Sa kanyang latest video sa kanyang YouTube channel, nakipagkwentuhan siya sa kanyang leading man noon sa isang pelikula na si Richard Gomez.
SILIPIN ANG MOST-VIEWED VLOGS NI BEA ALONZO SA GALLERY SA IBABA: