
Bumisita si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid sa Hong Kong para magbigay ng saya sa mga Pilipino doon.
Naging bahagi siya ng Independence Day celebrations at ng Kapangyawan Friendship Festival 2023.
Hinarana ni Ruru ang mga dumalo ng "Halaga," isa sa hit songs mula sa bandang Paroya ni Edgar.
"Maraming salamat, HongKong. Saludo ako sa inyong sipag at tyaga para lamang sa kinabukasan ng inyong mga mahal sa buhay. Kayo po ang bayani ng ating henerasyon. Mabuhay po kayong lahat! Mahal ko kayo mga Kapuso. Happy Independence Day," sulat ng aktor sa Instagram.
Bukod sa kanyang performance, may meet-and-greet din si Ruru kasama ang ilang Kapuso.
BumisIta rin si Ruru sa Philippine Consulate General sa Hong Kong kung saan nakilala niya si Consul General Raly L. Tejada.
Pagbalik ni Ruru sa Pilipinas, magiging busy na siya sa kanyang upcoming full action series na Black Rider.
Ipinasilip na niya nag naging superbike training niya para sa role.
May joint stunt training din sila ng girlfriend at kapwa Kapuso star na si Bianca Umali.