
Handang-handa na ang The Cheating Game actor na si Rayver Cruz at ang kanyang co-star at leading lady na si Jasmine Curtis-Smith para sa heavy drama na gagawin nila sa Afternoon Prime series na Can't Let Go.
Sa magkahiwalay na interview ng dalawa kay Lhar Santiago sa “Chika Minute” para sa 24 Oras, inamin ng dalawa na alam nila ang heavy drama na dala ng afternoon prime. Ngunit handa naman silang harapin ang challenge na ito.
“I think I'm very much ready to tackle on itong malaking project na pinagkatiwala sa 'kin and alam ko pong mas malaki at mas marami ang pinagdadaanan ng mga karakter sa afternoon prime kaya talagang mapapasubo ako dito. But ok lang! We love a good challenge,” ayon pa kay Jasmine.
Para naman kay Rayver, “Every time na may drama naman is nakaka-excite talaga kasi you get to explore the characters and parang ikaw mismo ang maglalagay ng backstory sa character mo.”
Nagpahayag na rin ng excitement ang dalawa hindi lang na makatrabaho ang isa't isa kundi pati na rin sa paggawa ng proyektong ito. Sa story con palang, Nakita nila kung gaano kaganda ang istorya at ang bigat ng karakter na gagampanan nila.
Sabi ng In My Mother's Skin actress, nakikita na niyang may “warmth” kay Rayver kaya't kahit wala pa silang malalim na friendship, alam nitong madaling pakisamahan ang actor.
Para naman kay Rayver, kahit umano madalas niyang nakikita at nakakasama si Jasmine sa mga events at guestings, excited pa rin siyang makatrabaho ito sa kanilang first project together.
Makakasama rin nila sa serye ang mga Voltes V: Legacy stars na sina Martin del Rosario at Liezel Lopez, Kim De Leon, Crystal Paras, Luis Hontiveros, at marami pang iba.
Panoorin ang interview nina Rayver at Jasmine sa “Chika Minute” rito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA POGI PHOTOS NI RAYVER SA GALLERY NA ITO: