Showbiz News

Jeric Gonzales gives a glimpse of his fitting for the GMA Thanksgiving Gala 2023

By Dianne Mariano

Naghahanda na ang Kapuso hunk at actor na si Jeric Gonzales para sa kanyang magiging look sa much-awaited GMA Thanksgiving Gala ngayong taon.

Sa Instagram, ibinahagi ng versatile actor ang video kung saan siya ay nag-fitting para sa kanyang outfit sa nasabing selebrasyon.

“Ready set…. #GMAGala2023,” sulat niya sa kanyang caption.

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)


Bukod kay Jeric, naghahanda na rin sina Kapuso celebrities Heart Evangelista, Rayver Cruz, Derrick Monasterio, Paul Salas, Julie Anne San Jose, at marami pang iba para sa nalalapit na event.

Bukod sa pagsasama-sama ng mga artista sa showbiz kasama ang Sparkle at Kapuso artists, at media partners, ang GMA Thanksgiving Gala ay magsisilbing fundraising event. Ang malilikom na pondo ay ibabahagi sa Kapuso Foundation at iba pang charitable institutions.

Abangan ang iba pang updates tungkol sa GMA Thanksgiving Gala sa lahat ng social media accounts ng GMA o bisitahin ang GMANetwork.com.

SAMANTALA, TINGNAN ANG THIRST TRAP PHOTOS NI JERIC GONZALES SA GALLERY NA ITO.