Showbiz News

Chef Meik Brammer to serve international dishes at GMA Gala 2023

By Jimboy Napoles

Tuloy-tuloy ang paghahanda ngayon ng GMA Network executives para sa much-anticipated showbiz event of the year na GMA Gala 2023.

Masusing tinututukan ng mga opisyal ng GMA at ng Sparkle maging ang pinakamaliit na detalye ng event lalo na ang menu na ihahanda sa dinner tables.

Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, nakapanayam niya ang chef na si Meik Brammer na siyang gagawa ng special dishes para sa event.

Ayon kay Meik, mula pa sa iba't ibang bansa ang menu na kanilang ihahanda.

Aniya, “Every food speaks thousands of languages, food comes from all over the world, from Italy, from America, from Germany, and [from] all the continents.”

Samantala, puspusan na rin ang preparasyon ng GMA at Sparkle artists para sa kanilang magiging look sa gala.

Ang Kapuso actress at Filipina fashion icon na si Heart Evangelista nagsimula na rin sa fitting ng kaniyang isusuot na gown.

“I guess the biggest preparation really was my gown because I had to do many fittings for it 'cause it has to exactly be made according to your body, the molding and everything,” pagbabahagi ni Heart.

Dagdag pa ng aktres, “I was very happy to work with the designer because they also made a special bag to go with [my gown]. So it's so nice.”

Bukod sa pagsasama-sama ng mga maniningning na artista sa industriya kasama ang GMA Sparkle artists, at media partners, ang GMA Gala ay magsisilbing fundraising event na makatutulong sa iba't ibang institusyon na lubos na nangangailangan.

Abangan ang iba pang updates tungkol sa GMA Gala sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.

SILIPIN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA UNANG GMA GALA SA GALLERY NA ITO: