
Excited na ang mga manonood para sa pagbabalik-tambalan ng mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla.
Muli kasi silang magkakapareha sa upcoming full action series mula sa GMA Public Affairs na Black Rider.
Nagbahagi ang official Instagram account ng GMA Public Affairs ng bagong behind-the-scenes photos nina Ruru at Kylie mula sa set ng Black Rider.
Makikita ditong tila sinusundo ng karakter ni Ruru ang karakter ni Kylie mula sa trabaho at tinulungan pang magsuot ng helmet para makasakay sila sa motor.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng motorcycle delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa sindikatong Golden Scorpion.
Sa isang panayam, bahagyang nagbahagi si Kylie ng ilang detalye tungkol sa kanyang karkater.
"Noong binasa ko 'yung script, maganda naman talaga. Maganda 'yung love story. Parang catalyst 'yung character ko para sa magandang storyline niya," lahad niya.
Dagdag naman ni Ruru na dapat daw talagang abangan ang karakter ni Kylie sa serye.
"Ibang ibang Kylie yung mapapanood niyo. Grabe 'yung drama na maipapakita niya dito," bahagi ng aktor.
Abangan sina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa Black Rider, soon on GMA Telebabad.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO: