GMA Logo Dominic Roque Bea Alonzo
What's Hot

Video ng proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo, mapapanood na mamaya!

By EJ Chua
Published July 21, 2023 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Dominic Roque Bea Alonzo


Dominic Roque, tungkol sa proposal video: “Mag-ready na po ng tissue…”

Kamakailan lang, ibinahagi ni Bea Alonzo sa kanyang social media accounts ang tungkol sa engagement nila ni Dominic Roque.

Kasunod nito, nakaabang na ang napakaraming netizens sa proposal video, na ayon kay Dominic ay mapapanood na ngayong Biyernes, July 21, alas singko ng hapon.

Sa latest post ni Dominic sa Facebook, makikitang ni-repost niya ang greeting sa kanya Ng social media personality na si Senyora.

Mababasa sa caption ng post niya ang ilang detalye tungkol sa naturang video, kung saan mapapanood ang mga naging kaganapan nang alukin niya ng kasal ang Kapuso actress na si Bea.

Mababasa sa post ni Dominic, “Salamat sa birthday greeting Senyora… habang pinapanood ni Bea ang proposal video… Mag-ready na po ng tissue… 5 p.m. posting Black Peak Hypermedia.”

Sa comments section ng kanyang Facebook post, mababasa na hindi na raw makapaghintay ang ilang netizens sa proposal video.

Narito ang ilang reaksyon at komento ng netizens tungkol sa nasabing post:


SAMANTALA, SILIPIN ANG WELL-WISHES NG ILANG CELEBRITIES SA NEWLY-ENGAGED COUPLE NA SINA BEA ALONZO AT DOMINIC ROQUE SA GALLERY SA IBABA: