Showbiz News

Ano'ng natuklasan ni Mikael Daez sa 'Isla'

Makikita sa Instagram account ni Mikael Daez na nagkaroon siya ng napakasayang adventure sa iba’t ibang isla ng Pilipinas, at ito ay para sa nalalapit na GMA News and Public Affairs special with Solenn Heussaff, ang Isla.

Kuwento ni Mikael, “It's a News and Public Affairs show. We are going to the best island destinations. I think anim o pito ata ang mga napuntahan namin.”

Ito ay isa sa feel good features na mapapanood ngayong summer at may patikim sa inyo si Mikael through his Instagram photos. Dagdag ni Mikael, matatawag din itong isang magandang last-minute summer adventure with your family and friends.

Ibinahagi ni Mikael na nagkaroon muna siya ng trip sa South America bago pa man din siya magsimula sa Isla taping. “Pagbalik ko, shoot kami agad ng Isla. Compared to Costa Rica, maganda siya dahil kakaiba, maraming bago. Pero we really have so much to be proud of here in the Philippines. Isipin mo swimming with the pawikan, puwede mo palang gawin dito. Napakalapit lang, napakadali lang gawin,” saad ng aktor.

Dahil sa Isla experience, naging vocal ang aktor sa kanyang hiling para sa bansa. “I guess 'yung isang hope ko lang para sa Pilipinas, ay ma-conserve natin 'yung mga ganoon. Minsan kasi sobra tayong excited, 'di natin naaalagaan,” pahayag ni Mikael

Abangan sina Mikael Daez at Solenn Heussaff sa kanilang adventure trip sa Isla ngayong May 11, 10:45 p.m. on SNBO.

Para sa updates tungkol kay Mikael Daez at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photos by Bochic Estrada, GMANetwork.com