
Idinaan ng Kapuso actress at newly-engaged na si Bea Alonzo sa isang girls' night out ang simula ng kaniyang wedding plans kasama ang kaniyang longtime friends and One More Chance co-stars na sina Dimples Romana at Beatriz Saw.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Bea ang larawan ng kaniyang naging bonding kasama sina Dimples at Beatriz na tinawag niyang, “My Thursday girls.”
“Tapas night with my Thursday girls. Syempre punung puno ng kwentuhan and wedding plans sarap mangarap! hahahaha love you girls!” caption ni Bea.
Makikita sa isa sa mga larawan na ibinahagi ni Bea ang pag-flex niya ng kanyang engagement ring.
Matatandaan na mabilis na nag-trending ang marriage proposal ni Dominic Roque kay Bea noong July 18 sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.
BEA ALONZO AND DOMINIC ROQUE RELATIONSHIP TIMELINE:
Samantala mapapanood naman si Bea bilang isa sa mga hurado ng Battle of the Judges sa GMA.
Bibida rin si Bea sa upcoming Kapuso series na Love Before Sunrise kasama sina Dennis Trillo, Andrea Torres, Sid Lucero, at marami pang iba. Ang nasabing series ay ang bagong collaboration ng GMA Network at ng Viu Philippines.