Showbiz News

Liza Soberano, first time manood ng Cinemalaya at hinikayat ang lahat: 'Support local films'

By Jimboy Napoles

Kakaibang experience para sa aktres na si Liza Soberano ang kanyang unang beses na panonood ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Sa panayam kay Liza ng Philippine Star, sinabi niya na masaya siya na makapunta sa Cinemalaya film festival ngayong taon at makita ang ilan sa mga local film enthusiasts.

Aniya, “I've never been to Cinemalaya before. I've never been to a Cinemalaya movie, and I really like its vibe and energy because it's just a bunch of movie enthusiasts, some people passionate about movies and storytelling coming together and I really like that.”

Sa nasabing interview, inimbitahan din niya ang lahat na panoorin ang Cinemalaya film entries sa season nito ngayon at suportahan ang local films.

“Sa lahat po ng nanonood ngayon I just want to invite you guys to watch all of the Cinemalaya entries and to support local films and all of our local creatives. Thank you so much,” ani Liza.

Isa sa Cinemalaya film entries na pinanood ni Liza ay ang full-length film na Rookie ng direktor na si Samantha Lee. Ito ay pinagbibidahan nina Pat Tingjuy, Aya Fernandez, at seasoned actress na si Agot Isidro.

Ngayong 2023 ang ika-19 taon ng Cinemalaya na may temang “ilumiNasyon” kasama ang 10 full-length film at two sets ng short film entries.

Samanatala, kasama rin sa Cinemalaya film entries ang pelikulang As If It's True na pinagbibidahan ng Kapuso stars na sina Khalil Ramos at Ashley Ortega, at Marupok AF (Where Is The Lie?) kasama ang Kapuso hunk na si Royce Cabrera, Maris Racal, at EJ Jallorina.

KILALANIN ANG KAPUSO STARS NA BUMIDA SA CINEMALAYA:

Mapapanood ang Cinemalaya films hanggang August 13 sa Philippine International Convention Center, at sa ilang piling sinehan kasama ang Glorietta, Ayala Malls Manila Bay, UP Town Center, at TriNoma.