Idinaos noong August 4 ang opening ceremony para Cinemalaya Philippine Independent Festival 2023.
Sa pagbubukas ng event na ginanap sa Philippine International Convention Center, opening film ang dark comedy film na Marupok AF (Where Is The Lie?) na idinirehe ni Quark Henares.
Kabilang sa cast ng 89-minute film ay sina EJ Jallorina, Royce Cabrera, at Maris Racal.
Matapos ang opening ceremony, ilang larawan mula sa event ang ibinahagi ni Royce sa Instagram.
Makikita sa naturang post ni Royce ang ilang solo photos niya pati na rin ang ilang group photos nang makasama niya ang kanyang co-stars at mga taong parte rin ng pelikula.
Silipin ang ilang larawan ng cast at production team ng Marupok AF (Where Is The Lie?) sa premiere ng Cinemalaya.
Suot ang kanyang gray and white suit, dumalo si Royce Cabrera sa opening ceremony ng 19th edition ng Cinemalaya.
Sulat ni Royce Cabrera sa caption ng kanyang Instagram post, “Thank you for all those who came and supported our Philippine premiere. Appreciated.”
Magkasamang dumalo sa event ang lead stars ng pelikula na sina Royce Cabrera at Maris Racal.
Kapansin-pansin na close ang Sparkle star na si Royce Cabrera sa director ng kanilang pelikula na si Quark Henares.
Bukod kay Royce Cabrera, kabilang din sa cast ng pelikula ang Sparkle artist na si Dani Ozaraga.
Present din ang ilan sa cast at crew ng Marupok AF (Where Is The Lie?).