Celebrity Life

Chef Boy, papasok sa pulitika?


Kamakailan lang ay ibinahagi ni Chef Boy Logro ang kanyang naging simula sa showbiz. Ngayon naman ay marami umano ang nanliligaw kay Chef Boy para pasukin ang mundo ng pulitika.

“Marami pong may gusto na, sa Davao gusto nila akong gawing Mayor. Sa Cavite naman gusto nila akong gawin na Vice Governor at ito namang tropa ng mga politicians gusto nila akong gawin na Party List,” pahayag ni Chef Boy.

Kusinero Partylist umano ang nais ng mga politicians para sa kanya. “Kasi prediction nila mananalo ako dahil gasino lang ang kukuning percentage doon,” saad ni Chef Boy.

Marami mang nagsasabi na mananalo si Chef Boy sakaling maisipan niyang tumakbo sa eleksyon, buo pa rin ang kanyang desisyon na hindi ito para sa kanya. “Pero ayoko po. Kasi nga ayoko na 'yung may marami na tayong pagtatawanan sa senado at kongreso”

Dagdag ni Chef Boy, “ibig sabihin hindi ka graduate, leave it to the experts na lang. Kasi nga ang specialty ko ito (pagluluto). Mabubuhay naman tayo sa magandang bagay na marangal, maganda. Kasi kapag pulitiko na kahit na sabihin nating magaling ka, may comments pa rin, kahit na sabihin na hindi ka corrupt, mayroon pa ring comments.”

Mas nais umano ni Chef Boy na magkaroon ng simpleng buhay at tumulong sa mga Pilipino sa paraan na kanyang alam. Aniya, “May eskwelahan ako. 'Yung mga scholar ko, para sa mga Filipino people”.

“Kesa naman mag-politician ako, hindi ko naman alam 'yung batas. Ano'ng gagawin ko? Baka naman makulong ako, 'di ba po?” pagtatapos ni Chef.

Patuloy na subaybayan si Chef Boy Logro sa Idol sa Kusina at Basta Every Day Happy.

-Text by Maine Aquino, GMANetwork.com