GMA Logo david licauco
What's on TV

David Licauco, hanga sa husay ni Barbie Forteza sa 'Maging Sino Ka Man'

By Jansen Ramos
Published August 17, 2023 1:00 PM PHT
Updated September 5, 2023 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Stephen Curry propels Warriors over Nets
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco


Papuri ni David Licauco sa kanyang 'Maging Sino Ka Man' leading lady na si Barbie Forteza: 'Magaling talaga si Barbie kung iisipin mo. Kaya n'yang maging matigas magsalita, malambing."

Ngayon pa lang, maganda na ang pagtanggap ng mga manonood sa inaabangang serye nina Barbie Forteza at David Licauco na TV adaptation ng iconic film na Maging Sino Ka Man.

Mula sa historical portal series na Maria Clara at Ibarra, kakaibang Barbie at David ang matutunghayan sa bago nilang proyekto dahil sasabak sila sa aksyon.

Kamakailan lang ay ipinasilip na ang intense na eksena sa Maging Sino Ka Man kung saan tampok si David bilang Carding. Dito ay ipinakita ang ilang action stunts ng aktor sa ilalim ng direksyon ni Enzo Williams.

Ayon kay David, maging siya ay humanga sa kinalabasan ng kanyang performance.

"Sabi ko, 'Ay wow, mukhang action star ako dito ah.' Maganda pala 'yung kinalabasan kasi sa start, siyempre, 'di naman ako confident since first time ko s'ya gagawin. It turns out okay naman," pahayag ni David sa panayam ng GMANetwork.com sa contract signing event ng bagong endorsement nila ni Barbie noong Sabado, August 12.

Dugtong pa ng breakthrough Sparkle artist, "Ako talaga 'yung gumagawa ng mga stunts kasi serious actor talaga ako, siyempre, for the love, for the passion kasi iba pa rin 'pag ikaw 'yung gumagawa ng stunts mo. Mapi-feel mo so ma-e-engross 'yung character sa 'yo."

Pero hindi lang si David ang maangas ang karakter sa Maging Sino Ka Man kundi ang love team partner din niyang si Barbie na magpapanggap na lalaki sa serye.

Gaganap ang aktres bilang Monique na magpapakilalang Dino para pagtakpan ang kanyang identity para takasan ang mga humahabol sa kanya.

Tanong namin kay David, sino ang mas maangas: si Carding o si Dino?

Tugon ni David, "Actually, matigas din s'ya. Nagulat ako kahapon, may eksena kami. Sabi ko, 'Ang angas nito, ah.'"

Dagdag pa niyang papuri kay Barbie, "Magaling talaga si Barbie kung iisipin mo. Kaya n'yang maging matigas magsalita, malambing."

Kabilang din sa cast ng TV adaptation ng Maging Sino Ka Man sina Juancho Trivino, Faith Da Silva, Rain Matienzo, at si Cinemalaya 2023 best actor Mikoy Morales.

Mapapanood din dito ang mga batikang artista na sina Jean Garcia, ER Ejercito, Jeric Raval, Jean Saburit, Juan Rodrigo, at Antonio Aquitania.

Magkakaroon naman ng special participation sina Al Tantay at Tonton Gutierrez sa upcoming Kapuso series.

Ang Maging Sino Ka Man ay mula sa direksyon ni Enzo Williams. Ipapalabas ito soon sa GMA Telebabad.