
Inanusiyo na si Yassi Pressman ang magiging leading lady ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid sa upcoming full action series na Black Rider.
Sumailalim sina Ruru at Yassi sa isang look test para masiguradong maganda ang kalalabasan ng kanilang tambalan sa serye.
Batid kaagad ang chemistry ng dalawa sa ilang sample pa lang ng gagawin nilang mga eksena sa serye, pati na sa mga litrato na kinunan nilang magkasama.
Hindi ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sina Ruru at Yassi.
Minsan na silang naging co-stars sa GMA teen drama thriller series na Dormitoryo.
Bukod dito, magkatambal rin sila sa upcoming film na Video City kung saan gaganap si Ruru bilang isang aspiring filmmaker na makakapag-time travel pabalik sa '90s at makikilala ang karakter ni Yassi na nagtatrabaho as isang video rental shop.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO:
Bukod kina Ruru at Yassi, bahagi rin ng serye sina Matteo Guidicelli, Katrina Halili at marami pang iba.
Abangan ang Black Rider, soon on GMA Telebabad.