Showbiz News

KC Concepcion, kinumpirma ang pag-unfollow kina Kiko at Frankie Pangilinan

By Kristian Eric Javier

“Hindi perfect.”

Sa ganyang paraan inilarawan ni KC Concepcion ang kanyang blended family. Ito ay para sagutin ang isang issue kung saan in-unfollow niya diumano sa social media site na Instagram ang kanyang step-father na si Kiko Pangilinan at step-sister na si Frankie.

Sa interview ni KC kay Cristy Fermin, inilahad nito ang dahilan kung bakit niya iyon nagawa. Aniya, “May mga complicated po talaga pagdating sa blended family. Meron din po talagang mga times na hindi perfect.”

TINGNAN ANG CLOSE RELATIONSHIP NI KC SA KANYANG MGA HALF-SIBLINGS SA GALLERY NA ITO:

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si KC tungkol sa kanyang sinabi at sa halip, sinabi lang nitong gusto niyang maging masaya at magkaroon ng peace of mind.

“Ang gusto ko lang maging light, maging masaya, ayoko ng maraming drama, ayoko ng maraming hindi. 'Yung forgiveness kasi sa family, important din 'yun siguro para maging okay 'yung takbo ng relationship ng lahat. And sometimes, mas gusto kong piliin yung peace of mind ko,” sabi nito.

Aminado rin si KC na mayroon din siyang mga pagkakamali ngunit ibinahagi din niyang ginawa naman niya ang lahat ng gusto ng kanyang pamilya.

“I just think na may mga moments na wala na akong control, mas gugustuhin ko pong i-keep ang aking peace of mind. Kasi po 30s na rin po ako, di na po ako bata,” sabi ng aktres.

Dagdag pa ng aktres, mas pipiliin niya ang mental health at sinabing pinipilit naman niyang maging mabuting anak at ate.

Hindi man maganda ang estado ng relasyon niya sa ibang miyembro ng pamilya nila ay nilinaw naman ni KC na gustong gusto niya ang pagiging ate sa mga nakababatang kapatid.

“Kahit po yung mga half-sister ko na hindi ko na po kasama sa bahay, pinipilit kong maging close kami -- from Garie to Chloe to Frankie to Miel to Miguel to Samantha to Savannah. Very close po ako sa mga half-sister at half-brother ko,” sabi nito.