Showbiz News

“‘Di naman forever na pa-tweetums” – Bea Binene


Last May 20, kitang kita ang kakaibang aura ni Bea Binene sa kanyang Eric delos Santos gown na isinuot para sa Pep List Awards night. Ito na nga ba ang hudyat ng mas daring na image ng young star?

Kuwento ni Bea, gym ang sikreto kaya fit and chic siya ngayon. Aniya, “Gym! Mga twice a week, thrice a week”.



Dagdag ni Bea, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang stylist na si Nasia Cammayo dahil alam nila ang taste niya pagdating sa mga damit. In fact, Malaki ang contribution ng kanyang stylist sa kanyang Eric delos Santos gown.

“Actually hands-on 'yung stylist talaga (sa design ng gown). Pero alam naman nila talaga at saka sila, sobrang gamay na ako na basta ‘eto ang suot ko alam na nila ‘yun”.

May kaunting skin exposure ang kanyang gown kaya’t natanong ang dalaga sa kanyang kakaibang imaheng ipinakita sa gabing 'yun.

“Pa-hello lang naman po. Hindi naman po sa nagre-ready, kasi 'di ko naman po alam kung anong next project ko e. Pero siguro ano, lahat naman po kailangang mag-evolve. ‘Di naman forever na pa-tweetums. Alangan naman na forever, naka-ball gown lang na ganoon di ba? Siyempre kailangang mag-evolve, para every awards night, or every event, iba-ibang itsura di ba?” saad ni Bea.

Dagdag ni Bea, gusto niya pag nakikita siya ng mga tao, alam nila na ito ang kanyang signature style.

“Siyempre, parang mayroon akong certain image na 'ay si Bea yan',” pahayag ni Bea.

Para sa ibang updates mula kay Bea Binene at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Sheena Peña, GMANetwork.com