
Sinagot ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang tanong sa kanya ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young kung sino nga ba ang una niyang showbiz crush.
Sa "Red Shots" segment ng podcast nina Mikael at Megan kung saan siya ang celebrity guest, inamin ng aktor na si Dina Bonnevie ang una niyang showbiz crush.
"Si Dina Bonnevie," pag-amin ng aktor.
Binalikan din niya ang unang pagkakataon na nakatrabaho sa isang show si Dina.
"Parang nu'ng nagsisimula ako dahil alam nila na s'ya 'yung isa sa pinaka... growing up siya yung showbiz crush ko, talagang sinama siya du'n sa isang episode. Unforgettable experience for me 'yun," kuwento ng aktor.
Nang tanungin ni Megan kung kumusta ang experience niya na makatrabaho si Dina, natatawang sagot ni Dingdong, "Wala, kagulo. Kagulo talaga... Talagang heart pounding."
Dagdag ng aktor, "Nakatrabaho ko rin siya afterwards. So during the '90s and early '20s, she had a show Ms. D! sa GMA. So tuwing naggi-guest ako roon syempre kinikilig ako, 'Oh my God, tinatanong ako ni crush.' Syempre parang nagpapakitang gilas ako nu'n. Alam n'ya 'yun, alam ni Miss [Dina] 'yun."
Ikinuwento rin ni Megan ang experience niya sa GMA Ball nang dumaan sa likod niya si Dina at binati ito.
Kuwento ni Megan, "She's like, Oh my God! I watch Royal Blood. I love your show!"
Panoorin ang buong interview ni Dingdong sa podcast nina Mikael at Megan dito: