
Opisyal nang nagpaalam si Megan Young kay Diana Royales, ang karakter na pinagbidahan nito sa hit murder mystery series na Royal Blood.
Sa Facebook post, ipinakita ni Megan ang new look kung saan maikli na ang buhok nito. Ayon sa aktres, napagdesisyunan niyang paikilian ang buhok pagkatapos ng taping niya sa Royal Blood.
"This is me, officially signing off from being Diana Royales--dahil napakabigat ng pinagdaanan kong mga emosyon by being this character. She's a quiet one pero marami siyang sikretong tinatago--very "her hair is so big, it's full of secrets" ang peg," sulat ni Megan Young.
Dagdag ni Megan, "Goodbye, Diana, and hello to a new Megan."
Ayon kay Megan Young, proud siya na naging bahagi ng Royal Blood. Puno rin ng pasasalamat ang aktres sa lahat ng sumubaybay sa kanilang kuwento.
Sa pagtatapos ng Royal Blood noong September 22, ikinagulat ng manonood na si Diana (Megan) ang tinutukoy ni Margaret (Rhian Ramos) na kasabwat niya sa pagpatay kay Gustavo (Tirso Cruz III). Si Diana ang nagtulak kay Margaret para ituloy nito ang paglason kay Gustavo.
Congratulations team Royal Blood!