
Isa sa pinakamalaking challenges para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa hit murder mystery series na Royal Blood ay ang pagbibigay-buhay niya sa karakter ni Napoy.
Sa Royal Blood, si Napoy ay illegitimate child ng business tycoon na si Gustavo Royales. Bago pa man pumasok sa mundo ng mga Royales, nagsisikap siyang maibigay ang pangangailangan ng anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider.
Sa podcast ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young, ibinahagi ni Dingdong ang masasabi niya sa pinagbibidahang karakter at sa Royal Blood.
"The greatest challenge really was for me to bring Napoy to life. Kasi usually 'yung mga roles ko ay 'yung tipong mga naka-suit, naka-polo, bihira 'yung delivery rider na kailangan talagang pati 'yung manner of speaking ay iibahin ko, so that was the greatest challenge," sabi ni Dingdong.
Pagpapatuloy niya, "Noong nag-e-evolve 'yung character ni Napoy nare-realize ko mas Napoy pala talaga ako in real life. Kasi parang second nature na sa akin din 'yung nuances n'ya, kasi akala ko mahihirapan ako kung paano ko sasadyain 'yung ganu'n."
Sumang-ayon naman si Megan sa sinabing ito ng aktor, "And we noticed that also, kasi during the first two weeks ng taping natin... we noticed na very animated o sadya 'yung mga mannerisms mo kay Napoy. Then we would talk, parang ano talaga... 'This is Napoy.'
"And, when we watched it finally on-screen, 'Wow, he's really been able to embody Napoy, na hindi si Dingdong 'yung nakikita namin. Si Napoy na talaga."
Ayon pa kay Dingdong, naging "therapeutic" para sa kanya ang proseso ng pagbuo sa karakter ni Napoy.
"The process of creating Napoy is very therapeutic for me kasi parang hindi lahat 'yun nagagawa ko everyday, pero baka 'yon din 'yung gusto kong gawin pala.
"Kasi parang minsan masyado akong... sa ibang mga event, na kailangang medyo [postura]. 'Yun pala 'yung gusto mo lang makawala ka lang. So, that's on the side of me creating the character, so para sa akin very therapeutic, 'yun 'yung feeling ko."
Bukod dito, hindi inaasahan ng aktor ang malaking suportang natatanggap ng Royal Blood mula sa manonood. Sabi niya, "'Yung reception naman ng tao roon sa show, sobrang nakakagulat.'
Panooring ang buong interview ni Dingdong sa podcast nina Mikael at Megan dito:
Huwag palampasin ang kapana-panabik ng mga pasabog sa huling gabi ng Royal Blood ngayong Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Panoorin hanggang dulo ang finale episode at hintayin ang inihandang post-credits scenes ng Royal Blood!
BAKIT TINANGGAP NI DINGDONG DANTES ANG ROYAL BLOOD: