Showbiz News

Anton Paras, inspirasyon ang mga OFW sa pagsulat ng kantang 'Can't Wait'

By Aimee Anoc

Challenging para sa singer-songwriter at multi-instrumentalist na si Anton Paras ang pagbuo sa bago niyang single na "Can't Wait."

Ang "Can't Wait" ang pangatlong kantang isinulat ni Anton under AltG Records, sub-label ng GMA Music.

Ayon kay Anton, ito ang unang pagkakataon na gumawa siya ng kantang may pagka-"pop-ish R&B" dahil sanay siya sa R&B Ballads tulad ng mga nauna niyang kanta na "All I Need" at "Binabalewala."

"Actually, first time ko pong gumawa ng ganitong klase ng song 'yung medyo pop-ish R&B," sabi niya sa exclusive interview sa GMANetwork.com. "Kasi medyo sanay po ako sa mga R&B Ballads po so bago po ito sa akin."

Pagpapatuloy niya, "May mga challenges po sa recording, nakailang takes po kami. Pero super happy po ako sa kinalabasan. Super gandang experience po ng song na ito na ibinigay sa akin."

Naging inspirasyon ni Anton sa bagong kanta ang OFWs (Overseas Filipino Workers) at nasa mga long-distance relationships.

"Naisipan ko po kasing gumawa ng song na [long-distance relationship] kasi marami po tayong mga kababayan na nasa abroad to work. Gusto ko pong gumawa ng song na makaka-relate po sila, na pwede po nilang pakinggan to serve as their inspiration po sa mga ginagawa nila. To help them cope with homesickness.

"And even po 'yung relationship na LDR, na sa tamang panahon magsasama pa rin po sila in the end."

Tumagal ng isa hanggang dalawang buwan ang pagbuo sa kantang "Can't Wait." Ayon kay Anton, inuna niyang gawin ang melody bago ito lapatan ng lyrics.

"Natapos ko po siyang masulat mga three weeks and then may mga edits po, adjustments sa kung paano 'yung attack ng song, kung anong genre po siya. So umabot po ng one to two months [para] ma-finalize po kung ano talaga po 'yung plan for the song.

"Inuuna ko pa talaga lagi 'yung chord progression kasi doon po magbe-base kung ano po 'yung song--if magiging love song po ba siya or parang rock. Kung ano pong genre niya roon malalaman sa chord progression and doon po sa pag-strum ng guitar.

"And kapag [nakuha] ko na po 'yung chord progression, ipe-play ko lang po siya nang ipe-play hanggang may pumasok po sa isip ko na lyrics na babagay po siya roon sa melody ng song," kuwento ni Anton.

Mapapakinggan ang "Can't Wait" sa lahat ng digital music platforms worldwide simula October 13. Abangan din ang performance video ng kantang ito.