Showbiz News

James Reid posts photo with Liza Soberano amid rumor about her leaving Careless

By Nherz Almo

Sa gitna ng usap-usapang umalis na sa Careless si Liza Soberano, nag-post si James Reid ng larawan nila ng aktres. Ang singer-actor ang founder at president ng naturang talent management.

Sa kanyang Instagram kanina, October 19, nag-post si James ng series of photos na kuha mula sa dinaluhan niyang Gentle Monster event launch noong Lunes, October 16. Isa sa mga ito ang larawan ni Liza.

Isang patunay kaya ito na hindi totoo ang bali-balitang kumalas na sa Careless si Liza?

Sa isang episode ng showbiz online show na Marites University, sinabi ni DJ JhaiHo na, ayon sa kanyang source, tiyahin na ni Liza ang nagma-manage ngayon sa aktres.

Matatandaan na noong June 2022, ginulat ni Liza ang kanyang fans sa pagpirma niya ng managing contract sa naturang kumpanya na unang nakilala bilang Careless Music.

Sa ilalim ng pamunuan ng recording label at talent management agency, nagsimula ang pagpu-pursue ni Liza sa kanyang Hollywood dream. Nagkaroon din siya ng guest appearance sa South Korean TV show na Not Hocance But Scance. Gayundin, naging endorser siya ng isang local digital bank at nagkaroon din siya sa collaboration sa iba't ibang brands.

RELATED GALLERY: Ahn Hyo-Seop, Anne Curtis, Liza Soberano, and more stars spotted at
Gentle Monster launch in BGC

Kamakailan lang, inilunsad ang online travel show ng aktres, ang Liza in Korea, na iprinodyus ng isang South Korean production company. Ayon kay Liza, ito muna ang kanyang pinagkaabalahan habang may writers' strikes sa Hollywood, na dahilan ng pansamantalang pagtigil niya sa pag-pursue ng kanyang Hollywood dream.

Gayunman, ang kanyang unang Hollywood stint sa horror-comedy movie na Lisa Frankenstein ay ipalalabas na sa susunod na taon.

Sa maiksing panayam kay James ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media, nagpahayag ng suporta ang aktor-singer tungkol dito.

Aniya, "We've been waiting for this. I've seen a few of the first drafts myself and it's Liza like you've never seen her before. We're super excited."

Sa ngayon, wala pang anumang opisyal na pahayag mula kina Liza at James o sa mismong pamunuan ng Careless tungkol sa isyung pagkalas diumano sa naturang talent management.