GMA Logo bianca umali encantadia chronicles sanggre
What's on TV

Bianca Umali, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' teaser

By Aimee Anoc
Published November 22, 2023 7:13 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bureau of Customs dialogue and delivery rollout of abandoned balikbayan boxes (Dec. 18, 2025) | GMA Integrated News
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

bianca umali encantadia chronicles sanggre


May mahigit 1.4 million views na ang 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' teaser!

Umaapaw ang pasasalamat ni Bianca Umali sa mainit na suportang natanggap ng kauna-unahang teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Noong Martes, November 21, inilabas na ang teaser ng continuation ng iconic telefantasya ng GMA kung saan ipinakita na ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Faith da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.

Sa loob lamang ng isang araw, agad na umani ng mahigit 1.4 million views online ang teaser ng Sang'gre.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Bianca Umali ang pasasalamat sa naging mainit na pagtanggap sa kanilang apat bilang mga bagong Sang'gre.

"Malaking pasasalamat po naming lahat, on behalf of the whole Sang'gre team, sa inyong mainit na pagtanggap po sa amin," sabi ni Bianca.

"Finally, na release na po, na-launch na po ang aming first ever teaser. At na-announce na po na kaming apat na po ay nabuo na, na mga tagapangalaga ng mga brilyante. Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at be ready! Estasectu! Agtu!"

Sa Sang'gre, makikilala si Bianca bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Si Terra ang nawawalang anak ni Sang'gre Danaya na lumaki at namuhay sa mundo ng mga tao.

Gaganap si Faith da Silva bilang Flamarra, anak ni Sang'gre Pirena at ang magmamana ng Brilyante ng Apoy. Inside link:

Si Kelvin Miranda ang magiging tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig. Makikilala siya bilang Adamus, anak ni Alena at ang nag-iisang lalaki sa hanay ng mga bagong Sang'gre.

Mapapanood naman si Angel Guardian bilang Deia, isa siyang mine-a-ves at ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.

Makakasama rin sa Sang'gre sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Bianca Manalo, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, at ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA STORY CONFERENCE NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANGGRE SA GALLERY NA ITO: