Showbiz News

Test Your Knowledge: Celebrity Bluff with the Kapuso stars

By MARY LOUISE LIGUNAS



Winner palagi ang acting nina Kevin Santos at Joyce Ching, at noong nakaraang Sabado, napatunayan nilang winner din sila sa katalinuhan.
 
Natalo nila sina Mark Herras at Andrea Torres, at sina Kristoffer Martin at Krystal Reyes. Sa tulong ng mga gangnamamamam, nakapag-uwi sila ng P75,000. Kakayanin niyo rin ba makakuha ng tatlong tamang sagot sa Final Four? Alamin sa quiz na ito!
 
1. Sa aling bahagi ng ating katawan matatagpuan ang 'Columella Nasi?'
 
A. Sa dibdib
B. Sa ilong
C. Sa brain
 
2. Ang tawag sa symbol na pinagsamang question mark at exclamation point ay ____.
 
A. Interrobang
B. Queslamation
C. Queslon
 
3. Ano ang tawag sa bula o foam na makikita sa ibabaw ng glass of beer or wine?
 
A. Float
B. Fermoth
C. Barm
 
4. Sa science, 'vagitus' ang tawag sa unang ano?
 
A. Unang utot ng sanggol
B. Unang dapa
C. Unang iyak ng baby
 
5. Ayon sa latest medical studies, dahil sa taglay nilang gene na 'Fox-03,' mas mahaba raw ang buhay ng mga taong ___?
 
A. Mahina ang ulo
B. Payat
C. Pandak
 
6. Ano ang 'earworm'?
 
A. Music na parang palagi mong naririnig
B. Isang uri ng worm na naghu-hugis ear kapag nagco-contract
C. Tutule
 
7. Alin sa mga sumusunod na marine animals ang classified bilang isda?
 
A. Seahorse
B. Stingray
C. Eel
D. Starfish
E. Whale shark
F. Jellyfish
 
Answer key:
 
1. B— Ang 'Columnella Nasi' ay ang skin na nasa gitna ng dalawang butas ng ilong.
2. A— Kapag pinag-combine ang question mark at exclamation point, ang punctuation mark na nabubuo ay tinatawag na interrobang or interabang.
3. C— Ang foam na nasa ibabaw ng glass of beer ay tinatawag na barm.
4. C— Vagitus ang tawag sa unang iyak ng bagong panganak na sanggol.
5. C— Carrier sila ng Fox-03 at natuklasang likely to live longer dahil ang mga taong maliit na may 'Fox-03' gene ay lumalaban sa effects ng aging o pagtanda.
6. A— Ang earworm ay ang tawag sa kantang paulit-ulit sa isip matapos na marinig. Locally, we call it as Last Song Syndrome or LSS.
7. A, B, C, E
 
Para sa garantisadong katatawanan at kaalaman tuwing Sabado, manatiling nakatutok sa Celebrity Bluff.