TV

Jose Manalo, pagseselosan si Mark Herras sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun

Si Jose Manalo naman ang mapapanood na magselos sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, Augsut 1.

Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.

Ang team naman nina Joyce Ching at Kevin Santos, Andrea Torres at Mark Herras, at Krystal Reyes at Kristoffer Martin ang makikipagpaligsahan sa laro ng kaalaman at katatawanan.

Kung dati ay si Eugene ang nagselos dahil sa sexy men's magazine models na naglaro sa Celebrity Bluff, si Jose naman ang magtatampo ngayon dahil sa panlalambing ni Mark.

Komento ni Jose sa tinaguriang Bad Boy of the Dance Floor, "Nananagasa ka, brad."

Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.