Showbiz News

Anthony Rosaldo, makakasama sina Rita Daniela at Khalil Ramos sa 'SWITCH' concert

By Aimee Anoc

Puspusan na ang paghahanda ng Kapuso Pop Rocker na si Anthony Rosaldo para sa paparating niyang concert, ang "SWITCH: Anthony Rosaldo Live In Concert." Ito ang kauna-unahang major solo concert ni Anthony na gaganapin sa Music Museum sa January 31.

Excited na ang Kapuso singer na maibahagi sa lahat ang kanyang kuwento sa pamamagitan ng musika at maipakita ang naging "switch" sa kanyang career, ang teatro.

Sa naganap na Playlist Live nitong Miyerkules (December 27) kung saan kinanta niya ang "Huwag Kang Matakot" by Eraserheads at "Basang-basa sa Ulan" by Aegis, ibinahagi ni Anthony kung bakit nga ba "SWITCH" ang title ng kanyang concert.

"If you are curious kung bakit "SWITCH" ang title ng concert, it's because... kung mayroon ditong mga nakasubaybay sa naging takbo ng career ko this 2023, there has been a big switch in my career from tv I went to do the biggest challenge of my career which is theater. I did a musical recently 'yung 'Ang Huling El Bimbo The Musical,'" pagbabahagi ni Anthony.

Dagdag niya, "I want to show you guys kung ano 'yung naging progress sa skills ko and also aside from show you guys the switch that I made, ipapakita ko rin syempre 'yung genre talaga na sanay kayo sa akin. So, two sides of what I do, and, I love, of course, performing.

"Please watch 'SWITCH: Anthony Rosaldo Live In Concert' sa Music Museum, January 31, 2024. For tickets, pwede kayong bumili sa ticketworld.com.ph."

Special guests ni Anthony sa kanyang concert sina Philippine's Undeniable Star Rita Daniela, award-winning singer and theater actor Gian Magdangal, Sparkle actor and singer Khalil Ramos, and the First Lady of Philippine Musical Theater, Menchu Lauchengco-Yulo.

MAS KILALANIN SI ANTHONY ROSALDO SA GALLERY NA ITO: