advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: David Licauco and Shaira Diaz lead 'Because I Love You' blogcon

1 of 11

Blogcon

Pinangunahan nina Shaira at David ang bloggers' conference ng 'Because I Love You,' na ginanap noong Huwebes, June 6, sa 1771 Events Place sa Ortigas Center sa Pasig.

2 of 11

Arnold Vegafria

Bago magsimula ang blogcon, nagbigay ng mensahe at nagpasalamat ang talent manager at CEO ng ALV films na si Arnold Vegafria sa mga dumalo sa naturang event.

3 of 11

Shaira Diaz

Gagampanan ni Shaira ang papel ni Summer, isang palaban at astiging firewoman.

advertisement
4 of 11

David Licauco

Bibigyang buhay naman ni David ang karakter ni Rael, isang lalaking galing sa mayamang pamilya na mahuhulog sa isang simpeng babae na si Summer.

Related:

EXCLUSIVE: David Licauco, compares his upcoming film to '50 Shades of Grey'

5 of 11

Martin Del Rosario

Nakilala si Martin dahil sa kanyang gay roles on screen, pero ibang karakter naman ang ipapakita niya sa 'Because I Love You.' Bibigyang-buhay niya ang role ni Tres, isang manloloko at playboy na magiging girlfriend ni Summer.

6 of 11

Michelle Dee

Gagampanan ni Michelle ang papel ni Gianna, ang very career-driven na girlfriend ni Rael.

advertisement
7 of 11

Tim Lawrence Yap

Isang kwelang kaibigan naman ang gagampanan ni Tim. "Life of the party" ng barkada kung kanyang ilarawan ang kanyang karakter na si Ford.

8 of 11

ShaiVid

Madalas mang ma-pair sina Shaira at David sa iba't ibang artista, pero paborito pa rin ng fans ang kanilang tambalan.

9 of 11

The Panti Sisters

Flattered si Martin matapos siyang hangaan ng kanyang co-actors dahil sa kanyang pagiging versatile actor. Kinongratulate din siya ng mga ito sa kanyang new film na 'The Panti Sisters,' na co-produced ng ALV films.

Related:

Jun Lana teases new film 'The Panti Sisters'

advertisement
10 of 11

Artist Center

Dumalo rin sa blogcon ang GMA Artist Center Senior Talent Manager na si Joy Marcelo.

11 of 11

Because I Love You

Mapapanood na ang 'Because I Love You' simula June 26 sa mga sinehan nationwide. Idinerehe ito ng award-winning director na si Joel Lamangan.