Showbiz News

Camille Prats at Shayne Sava, big surprise ang pagsasama sa 'Mommy Dearest'

By Kristian Eric Javier

Naging isang malaking sorpresa para sa Kapuso stars na sina Camille Prats at Shayne Sava na magkakasama silang muli sa upcoming Afternoon Prime series na Mommy Dearest.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa dalawang aktres sa nagdaang story con noon January 13, ibinahagi ni Shayne na hindi niya inasahan na magiging parte siya ng serye dahil nagsisimula na ang taping bago siya nasabihan.

“Actually, kasi this is a surprise for me kasi parang sinabihan na 'ko nagte-taping na sila so parang sabi ko, 'Oh my God! Totoo ba 'yun?'” pagbabahagi ni Shayne.

Dagdag pa niya, masaya siya para kay Camille nang malaman niya ang bagong proyekto nito noong Disyembre, at hindi niya inakalang makakasama siya sa serye.

Isang sorpresa rin para kay Camille ang makasamang muli si Shayne at sinabi rin niya na “meant to be” na magkatrabaho silang muli.

“Ako, ang masasabi ko, there are no accidents, and ako, I look forward to working with Shayne,” sabi ng aktres.

Unang nagkatrabaho ang dalawa sa GMA Afternoon Prime series na AraBella kasama si Althea Ablan. Nang tanungin kung ano ang pinagkaiba ng mother-daughter roles nila rito at sa naunang serye, ang sagot ni Shayne, “It's a very different way.”

“Actually, 'yung role ni Ate Cams, she's a very loving mother also, pero in a different way,” sabi niya.

Para naman kay Camille ay naging “full circle” na ang trabaho nila ni Shayne dahil sa mga roles na ginampanan nila sa AraBella at gagampanan sa Mommy Dearest.

“AraBella is really her experiencing the loving, kind, compassionate Roselle. Talagang si Roselle, halos sinalba niya si Ara nun e, si Ara na wala ng family, mag-isa na sa buhay, tapos parang she found a home and a mother in Roselle,” pagbabahagi ni Camille.

Pagpapatuloy niya, “Tapos ito naman, mararanasan niya 'yung kabaligtaran nun, like the complete opposite of that. So sabi ko, it's really a full circle thing, itong project na 'to as compared to AraBella.”

TINGNAN ANG JAW-DROPPING LOOKS NI CAMILLE SA GALLERY NA ITO:


Ibinahagi rin ni Camille na hindi man ito ang pinakauna niyang kontrabida role, ito naman ang unang beses na gaganap siya bilang isang “different kind of kontrabida.”

“Hindi lang siya scheming and maldita-maldita, hindi. It's a different, a deeper level of that, someone who actually inflicts pain on somebody else,” sabi niya.

Dagdag pa ni Camille, “It's the first time that I would be doing something like this.”

Very new experience naman para kay Shayne ang role na gagampanan niya sa serye, at super excited siyang gawin ang proyekto.

“Kasi 'yung character ko, iba pong level siya, hindi lang siya 'yung parang iiyak, hindi lang ganun. Different po talaga siya sa mga iba kong characters na inaapi, nakakaawa lang, hindi siya ganun,” sabi niya.

Dagdag pa ni Camille ay dapat din abangan kakaibang mother-daughter story na handog ng Mommy Dearest.

“It's very different mother and daughter story na masasabi mong may pagmamahal, pero siguro mahirap lang intindihin kung saan nanggagaling 'yung pagmamahal,” sabi niya.