Showbiz News

Ang mga dapat alamin tungkol sa bigamy

By MICHELLE CALIGAN
 
Sa Ang Dalawang Mrs. Real, pinakasalan ni Anthony (Dingdong Dantes) si Shiela (Lovi Poe) kahit pa asawa na niya si Millet (Maricel Soriano). Ano pa man ang kanyang dahilan kaya niya pinakasalan si Shiela, sa mata ng batas, nagkasala na ng bigamy si Anthony.
 
Gaano ba kabigat ang kasong haharapin ni Anthony kapag nahuli siya? Ano ang magiging epekto nito sa una at pangalawang asawa?
 
Ayon sa Article 349 ng Revised Penal Code (RPC), bigamy is defined as "the contracting of a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceeding."
 
This means that a married individual can only get married again if either of the two conditions mentioned above are met; otherwise, he has committed bigamy. Kaya hangga't hindi pa annulled ang unang kasal o buhay pa ang asawa, hindi maaaring magpakasal ang isang lalaki o babae sa iba.
 
Kapag napatunayang nag-commit ng bigamy ang isang tao, ang magiging hatol niya ay pagkakakulong ng six to 12 years. Posible lamang na hindi makasuhan ang pangalawang asawa kung mapapatunayan niyang hindi niya alam na may asawa na ang kanyang pinakasalan.
 
Sasampahan kaya ng kasong bigamy ni Millet si Anthony kapag natuklasan niya ang lihim ng asawa? Paano papatunayan ni Shiela na hindi niya alam na may asawa si Anthony gayong sinabi naman ito sa kanya dati ng lalaki? At handa na ba si Anthony na harapin ang naging bunga ng kanyang kasalanan?
 
Alamin ang kahahantungan ng ginawa ni Anthony sa Ang Dalawang Mrs. Real, gabi-gabi sa GMA Telebabad.