Showbiz News

Prince Carlos, itinuturing na big opportunity ang mapasama sa 'Mommy Dearest'

By Kristian Eric Javier

Mula hardcourt ay aabangan naman ng kaniyang fans si Prince Carlos bilang isang dramatic actor sa upcoming Afternoon Prime series na Mommy Dearest. Ayon pa sa aktor ay itinuturing niyang malaking opportunity ang mapasama sa serye.

Sa storycon ng serye na naganap noong January 13 ay ibinahagi ni Prince kung bakit niya tinanggap ang role.

“Siyempre bakit ko tatanggihan, 'yung mga katrabaho ko, Shayne Sava, mga veteran. Big opportunity talaga ito sa'kin so [I grabbed it] na talaga,” sabi niya.

Sabi pa ni Prince ay kailangan nang masanay ng kaniyang fans na makita siya sa TV maliban sa hardcourt. Huling naglaro si Prince para sa De La Salle-College of Saint Benilde sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) noong December 10.

Ayon kay Prince ay na-enjoy niya nang husto ang pag-arte, at sinabing noon pa man ay nakahiligan na niya talaga ito.

“I used to do commercials so ever since I was young, nasanay na ako sa mga ganun. Until now, nae-enjoy ko pa rin, mas nag-grow pa 'yung love ko sa acting,” sabi niya.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI PRINCE CARLOS SA GALLERY NA ITO:

Sa serye ay makakapareha niya sa isang love team si Shayne Sava at ayon sa aktres, ito na ang ikalawang team up nila ni Prince. Sabi niya, una silang nagkatrabaho sa isang epsidoe ng drama anthology series na Regal Studio presents.

Bukod kay Shayne, bibida rin sa serye sina Camille Prats at Katrina Halili, kasama sina Dion Ignacio, Amy Austria, Winwyn Marquez, Mel Martinez, Riel Lomadilla at Viveika Ravanes, sa ilalim ng direksyon ni Ms. Gina Alajar.