GMA Logo Multi-generation of Sang'gre in Direk Mark Reyes' 55th birthday celebration
What's Hot

Multi-generation ng mga Sang'gre, nagkita-kita sa 55th birthday ni Direk Mark Reyes

By Aimee Anoc
Published March 25, 2024 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Tropical Storm Ada as of 5:00 PM (Jan. 18, 2026)
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Multi-generation of Sang'gre in Direk Mark Reyes' 55th birthday celebration


Tila naging reunion para sa multi-generation ng mga Sang'gre ang pagkakasama-sama sa kaarawan ng 'Encantadia' director na si Direk Mark Reyes. Tingnan dito.

Napagsama-sama ng multi-awarded director na si Direk Mark Reyes sa kanyang 55th birthday celebration ang multi-generation ng mga Sang'gre.

Mula Encantadia (2005) na dinaluhan ni Iza Calzado at ang next generation na sina Kylie Padilla, Glaiza De Castro, at Sanya Lopez ng Encantadia (2016), hanggang sa pinakabagong henerasyon na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.

"I am very happy again na magkakasama kami ng mga Sang'gre kasi bibihira talaga na makumpleto kami nang hindi work related," sabi ni Faith sa interview ni Nelson Canlas ng 24 Oras.

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

"I'm very happy na naging parte ako ng 2016 and then now si Bianca ang gaganap bilang si Sang'gre Terra. Nakakatuwa kasi ganu'n kalaki 'yung proyekto at talagang pinaghahandaan," ani Ruru Madrid, na napanood bilang Ybrahim sa Encantadia (2016).

Bukod sa mga Sang'gre, dumating din sa selebrasyon ng kaarawan ni Direk Mark ang Voltes V: Legacy stars na sina Ysabel Ortega, Carla Abellana, at Gabby Eigenmann.

"I think it's better to have a get-together and check on everyone else and then have a millstone," pagbabahagi ni Direk Mark.

Dumalo at bumati rin kay Direk Mark sina GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, at iba pang opisyal ng GMA Network.

Idinirehe ni Direk Mark Reyes ang iconic na Encantadia 2005 at 2016, at maging ang continuation ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre.

TINGNAN ANG PAGSASAMA-SAMA NG BAGONG HENERASYON NG MGA SANG'GRE NA SINA BIANCA, KELVIN, FAITH, ANGEL SA GALLERY NA ITO: