GMA Logo Gabbi Garcia at Block and Glow event in Watsons SM North Edsa
What's Hot

Gabbi Garcia, excited nang maisuot ang bagong costume para sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

By Gabby Reyes Libarios
Published April 18, 2024 4:56 PM PHT
Updated April 19, 2024 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) APRIL 15, 2026 [HD]
Novena begins for Manaoag centennial coronation

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia at Block and Glow event in Watsons SM North Edsa


Ayon kay Gabbi Garcia, isa sa mga dapat abangan ng fans ang magiging costumes ng mga Sang'gre.

Hindi maitago ng Sparkle actress and global endorser na si Gabbi Garcia ang kanyang kasiyahan at excitement nang tanuningin siya ng GMANetwork.com tungkol sa latest developments sa inaabangang iconic telefantasya ng Kapuso network na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa inaabangang serye, gagampanin muli ni Gabbi Garcia ang role ni Sang'gre Alena, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig (Water Gem) na ipapasa na sa kanyang anak na si Sang'gre Adamus, ang karakter na bubuhayin naman ni Kelvin Miranda.

"Exciting! Nag-fitting na rin ako!" sambit ni Gabbi Garcia sa kanyang panayam sa GMANetwork.com sa launch ng Block & Glow, ang skin-protecting, skin-nourishing lotion na kanyang indeendorso.

"Gustung-gusto ko yung bagong costume. I already saw it. I tried it on already. I even saw the armor, the weapons, ang masasabi ko lang, pinaghandaan talaga nang sobra-sobra. Talagang comeback kung comeback!"

Bagamat hindi pa niya pwedeng i-share ang detalye ng kanyang kasuotan para sa fantasy series, masasabi ng morena beauty na kakaiba raw ang costumes nila this time.

"Malayo [kumpara sa costume before]. Basta exciting!"

Ayon kay Gabbi Garcia, importante ang maalagaan ang ating mga balat ano man ang iyong kulay, maputi ka man o morena tulad niya.

Sa naturang launch sa Watsons SM North Edsa, kapansin-pansin rin ang "natural-looking glow" ni Gabbi Garcia. Isa sa mga rason nito ay ang "happiness" na kanyang nararamdaman sa kanyang personal life.

"A lot of things," sagot ni Gabbi nang tanungin siya kung ano ang nagpapasaya sa kanya lately. "Actually the smaller things nga e, like having that me-time at the gym. Important talaga 'yun sa akin na in a day na ma-squeeze in ko kahit na one hour, two hours of me going to the gym, or just me being by myself, that brings me happiness."

Bukod sa pagiging health-conscious at active sa pagwo-work out, nakakatulong rin raw na mayroon siyang "inner peace" na nakukuha mula sa kanyang family and love life.

"Inner peace brings me happiness, knowing na secured 'yung family ko, secured 'yung partner ko, tapos okay rin ako. Siguro rin lastly, yung mga taong sumusuporta sa akin na alam kong andyan sila since day one. And it's been crazy to think na ten years na ako sa industry but they're still there."

Malaking bagay rin na mas naging "wiser" si Gabbi pagdating sa paglalaan ng kanyang oras at atensyon sa mga bagay-bagay.

"[I learned] to listen to only what matters. Everything else is just noise. You have to listen to what matters."

Ayon kay Gabbi Garcia, importante na maglagay tayo ng skincare products na may sun protection, SPF, o kaya naman niacinamide at iba pang natural ingredients para iwas sakit sa balat. "As someone who values skincare and self-care, I believe in the importance of products that not only enhance your beauty but also nourish and protect your skin."

RELATED CONTENT: The dreamiest travel photos of Gabbi Garcia and Khalil Ramos