Showbiz News

‘The Rock’ is the unbeatable Scorpion King

By EUNICIA MEDIODIA 
 


Last Sunday, pinalabas sa Kapuso Movie Festival ang The Mummy featuring Brendan Fraser and Rachel Weisz.

This Sunday, isa na namang action-packed movie ang mapapanood sa GMA at 7:35 p.m.. Ito ang The Scorpion King na prequel ng The Mummy.
 
Mapapanood dito ang professional wrestler na si The Rock na ngayon ay isang sikat na actor worldwide – si Dwayne Johnson. 

Balikan natin ang kanyang wrestler moves sa The Scorpion King.  
 
Si The Rock ang gaganap na Mathayus sa The Scorpion King. Magaling sa pakikidigma at naging warrior for hire ang karakter ni Mathayus.

Ano ang nakatakda niyang gawin para tanghalin na "Scorpion King?" Siya nga ba ang itinadhana para dito?
 
Alamin ang destiny ni Mathayus sa The Scorpion King sa GMA Blockbusters this Sunday after Ismol Family.

Mga Kapuso, the fun starts Sabado pa lang sa GMA. Check the new program lineup here.