GMA Logo Solenn Heussaff, New-gen Sang'gres
Source: @solenn, @gmaencantadia IG
What's on TV

Solenn Heussaff, ready na bumalik sa mundo ng Encantadia; new-gen Sang'gres mas ipinakilala ang kanilang mga karakter

By Kristine Kang
Published April 26, 2024 12:35 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Solenn Heussaff, New-gen Sang'gres


Makakasama rin ng mga new-gen Sang'gre si Solenn Heusaff sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Babalik on GMA screen ang mundo ng Encantadia sa bagong programa na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Kasama sa pagbabalik ng serye, mapapanood muli ang mga 2016 Sang'gre na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Glaiza De Castro, at Gabbi Garcia. Kasama rin sa pagbabalik ang Kapuso star na si Solenn Heussaff bilang si Cassiopea, ang mata at ang sinaunang sang'gre sa Encantadia.

Ang fantasy series ay magsisilbing pagbabalik ni Solenn sa telebisyon, matapos ang kaniyang mahabang break mula sa showbiz.

Nag-focus kasi muna siya sa kaniyang pamilya, lalo na sa pag-aalaga ng kaniyang mga anak na sina Thylane at Maëlys Lionel.

Kamakailan lang din, abalang inasikaso ni Solenn ang pagpapatayo ng kaniyang dream house, kung saan siya mismo ang tumulong sa interior design nito.

Sa kaniyang panayam kasama si Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ni Solenn ang kaniyang excitement sa pagbalik niya sa set.

Dahil palagi siyang nag-wo-work out, handang-handa na ang aktres mag-taping muli sa serye.

"Siyempre naman lagi akong handa kasi para sa akin very important 'yung health, so lagi akong nag-e-exercise and everything. So 'yon ready ako kahit bukas na ang shooting," sabi ni Solenn.

Maliban sa dating cast, mapapanood din sa serye ang mga new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.

Kamakilan lang, mas ipinakilala ng mga bagong Sang'gre ang kanilang mga karakter sa isang book reading activity sa unang araw ng Philippine Book Festival 2024 sa World Trade Center noong April 25.

Sabi ni Bianca sa kaniyang panayam, "Ina-update namin sila sa kung ano 'yung magiging takbo, lalong-lalo na 'yung enchantadiks."

Para kay Faith Da Silva, masaya siya na naipakilala pa niya ang kaniyang karakter na si Flamarra.

"Sa tingin ko kasi na-mi-misunderstood 'pag sinabing apoy matapang, galit. Pero hindi natin alam na may mga iba pang pinagdadaanan pa," sabi niya.

Labis naman ang emosyon ni Angel on-stage habang binabasa niya ang kaniyang karakter na si Deia.

Sabi niya, "Nararamdaman ko po 'yung pain ng karakter ni Deia. Pinipigilan ko lang talaga, Ate Aubrey, pero naiiyak na talaga ako sa stage. Pero ayun nakakatuwa rin ibahagi ko yung karakter ni Deia."

Para naman kay Kelvin, inamin niya na medyo nahirapan siya sa event dahil sa kaniyang dyslexia. Pero para sa mga fans, nag-extra effort si Kelvin na tandaan ang buong istoryang babasahin niya sa book reading.

"Binasa ko na po kasi siya kagabi at tinandaan ko po yung istorya. Para pag medyo nahihirapan po talaga, tinatry ko na lang humanap ng word na unang na-konektado at mas magiging madali siya para sa akin."