GMA Logo diana zubiri
What's on TV

Diana Zubiri, nagbago ang showbiz image dahil sa 'Encantadia'

By Nherz Almo
Published November 18, 2023 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

diana zubiri


Diana Zubiri, sa young stars of 'Sang'gre': "I-enjoy nila yung process..."

Hindi raw inakala ni Diana Zubiri na matataon sa announcement ng bagong Encantadia Chronicles: Sang'gre ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

Bukod dito, naging maingay din ang reunion nila ng mga kasamahan niya noon sa Encantadia na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle sa noontime show na It's Showtime.

Kasalukuyang nasa Pilipinas ang dating si Diana para sa iniendorso niyang Signet Institute, na isang Australian-based training provider. Ito ang una niyang pag-uwi sa Pilipinas matapos ang pananatili niya at ng kanyang pamilya sa Australia noong nakaraang pandemic. Sa darating na linggo ay babalik na rin sila sa Australia.

“Alam n'yo nasabay lang talaga kasi uuwi ako for school. Hanggang si Karylle parang sabi lang niya, yung Showtime parang gusto kayong kunin. Sabi ko, ang ganda naman ng timing, 'tapos in-announce pa yung Sang'gre.”

Dahil dito, marami raw ang nagtatanong kay Diana kung may pagkakataong maging bahagi siya ng Sang'gre.

“Parang yung mga tao iniisip nila, 'Uy, baka kasali kayo.' Well, recently, parang yun na ang naririnig-rinig namin. Willing naman tayo, siyempre, kasi malaking factor 'yan sa aking showbiz life.

“Pero kasi, sabi ko nga, uuwi lang ako kung kukunin ako ng Signet kasi medyo mahal. Baka naman sagutin naman ng GMA ang pag-uwi ko.”

TINGNAN ANG REUNION NG ENCANTADIA ACTRESSES:

Samantala, malaki raw ang pasasalamat ni Diana sa naturang telefantasya dahil malaki ang ipinagbago ng kanyang showbiz career dahil dito.

“Siyempre, after ng flyover [controversy], medyo sexy pa rin noong kinuha ako ng Bubble Gang. Habang nagba-Bubble Gang ako, na-offer sa akin yung Encantadia, mga kasama ko wholesome [ang image].

“Buti na lang talaga tinanggap ko. Kasi noong una, parang ayaw ko dahil nga po parang ang layo sa image ko. Siyempre, gusto ko rin yun, gusto ko rin ng change. Siyempre, tataas din ang TF ko nun kaya sabi ko, tatanggapin ko,” natatawang sabi ng aktres.

Kaugnay nito, nagbigay rin ng payo si Diana sa mga bagong Sang'gre actors na sina Bianca Umali, Faith da Silva, Angel Guardian, at Kelvin Miranda.

Aniya, Ang advice ko lang, i-enjoy nila yung process na maraming nag-a-adore dun sa characters. Kasi, yun lang din yung isa kong regret. Kasi, habang ginagawa namin yun, first time kong nag-soap opera, so hindi ko alam yung kalakaran. Yung taping 24/7 kaya medyo pagod. 'Tapos, ang daming shows, ang dami naming ginagawa.

“During that time, yung sinasabi nilang 'famous,' hindi ko pa siya ma-enjoy until tumagal. Kasi, di ba, habang tumatagal, hinahanap.

“Hanggang ngayon sa Australia, kapag may nami-meet ako, 'Gusto ko si Danaya dati, ginagaya ko yung character mo.' Kumbaga, nadala ko doon, nadala na rin sa iba't ibang part ng mundo.”

TINGNAN ANG BUHAY NI DIANA ZUBIRI SA AUSTRALIA