
Sunod-sunod ang mga proyekto ng Kapuso stars at tambalang “BarDa” nina Barbie Forteza at David Licauco ngayong taon.
Bukod kasi sa kanilang pelikula na That Kind of Love, at biggest family drama ng GMA na Pulang Araw na parehong mapapanood ngayong 2024, mapapanood din sina Barbie at David sa bagong social series ng Netflix na pinamagatang Bida/Bida.
Ngayong Miyerkules, June 12, inilabas ng Netflix ang teaser para sa nasabing bagong online series.
“Get ready to watch the stars collide! Your favorite artistas have met their match on Bida/Bida, a new social series where they find common ground in rare conversations,” ayon pa sa kanilang post.
Mapapanood sa naturang teaser ang patikim sa sweetness at kulitan nina Barbie at David.
Makakasama rito ng BarDa ang Kapuso actress na si Beauty Gonzales at iba pang mga celebrity na sina Donny Pangilinan, Maricel Laxa, Kaila Estrada, Janice de Belen, Direk Tonet Jadaone, Candy Pangilinan, Maris Racal, at Anthony Jennings.
Mapapanood ang first episode ng Bida/Bida sa June 14, sa YouTube channel ng Netflix Philippines.
Samantala, inanunsiyo na rin noong Lunes, June 10, na ipalalabas ang Pulang Araw sa Netflix sa July 26, tatlong araw bago ito mapanood sa GMA simula sa July 29.
Makakasama ni Barbie at David sa nasabing serye sina Sanya Lopez, at Alden Richards. Kasama rin si Dennis Trillo na gaganap sa kaniyang first kontrabida role.
RELATED GALLERY: Barbie Forteza and David Licauco win 'Best Love Team' at TAG Awards Chicago