GMA Logo migz diokno bini sheena
What's Hot

'Pulang Araw' teen actor Migz Diokno admits BINI Sheena is his celebrity crush

By Jimboy Napoles
Published August 15, 2024 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Cavs share scoring duties in victory over Hornets
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

migz diokno bini sheena


Inamin ni Migz Diokno na celebrity crush niya ang kapwa P-pop idol na si BINI Sheena.

Masayang sumalang sa kanilang kauna-unahang “Fast Talk” interview ang mga batang aktor sa hit GMA series na Pulang Araw na sina Migz Diokno, Cheska Maranan, at Cassy Lavarias.

Bukod sa kanilang trending acting performances sa nasabing serye, pinaamin din ng batikang TV host na si Boy Abunda sina Migz, Cassy, at Cheska kung sino ang kanilang mga celebrity crush.

Pag-amin ni Migz, “P-pop idol din po siya. Si BINI Sheena."

Bago pa siya makilala sa Pulang Araw, miyembro na rin ng P-pop group na Cloud7 si Migz.

Ang crush ng binatang aktor na si Sheena Catacutan ay member ng P-pop girl group na BINI, kasama sina Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, at Mikha. Sila ang grupo sa likod ng mga sikat na awitin ngayon na “Pantropiko,” “Karera,” “Salamin, Salamin,” “Cherry On Top,” at marami pang iba.

Samantala, ayon naman kina Cassy at Cheska, sa ngayon ay wala pa silang celebrity crush. Pero labis ang paghanga nila sa mga iniidolo nilang mga aktor sa Pulang Araw.

Sa Pulang Araw, gumanap si Migz bilang young Hiroshi, ang karakter ng Pambansang Ginoo na si David Licauco. Habang young Adelina, at Teresita naman sina Cassy at Cheska, ang batang bersyon nina Barbie Forteza, at Sanya Lopez.

RELATED GALLERY: Meet Cassy, Franchesco, Cheska, and Migz, the talented young actors in 'Pulang Araw'

Ang kuwento ng Pulang Araw ay iikot sa magkakababata na sina Adelina (Barbie), Teresita (Sanya), Hiroshi (David), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones kabilang ang Japenese Imperial Army officer na si Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).

Sa pagsiklab ng World War II, magiging mitsa rin ito ng iba't ibang mga problema sa buhay ng apat na magkakaibigan.

Subaybayan sa free TV ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

Tumutok din sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.