Showbiz News

Senator Chiz and Heart, share the start of their romance

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Isang cheesy morning ang ipinakita nina Senator Chiz Escudero and Heart Evangelista nang dumalaw si Regine Velasquez at Sarap Diva sa tahanan ng senador. Dito, ibinahagi ng dalawa kung paano nag-bloom ang kanilang relasyon at nauwi sa isang masayang engagement.
 
Kuwento ni Heart, sinet-up sila ni Senator Miriam Defensor-Santiago. Aniya, “Ewan ko kung torpe siya or shy siya, pero hindi siya nagpapakita ng anything.”
 
“I was always a fan. I looked up to him ever since before. When I met him, ang ganda ng conversation. I was able to talk to him about everything, pati mga past boyfriends ko ganyan. He was very open to that,” dagdag ni Heart.
 
Kuwento ng dalawa, three months silang nagkikita on a daily basis bago naging official ang kanilang relasyon. Sa bahay umano ni Senator Chiz nakuha ang “oo” ni Heart.
 
Sa ngayon daw maganda ang kanilang relasyon at super relaxed. Pahayag ni Heart, “It's nice kasi matanda na siya. Mas matanda siya sa akin so whenever I want to learn something new, I have questions, he would teach me. Very patient siya.”
 
Kung ano man ang pinagdaanan nila in the past, naging mabuting factor umano ito sa kanilang relasyon.
 
Aniya, “Mas maganda na rin 'yung may pinagdaanan para everything is downhill after that. Kung may dumating man na hirap hindi na kasing hirap noon. Kesa dadating much much later, tapos hindi pala kayang i-handle. Actually the best time to get to know each other, kapag may pinagdaanan ka.”
 
Natatawang dagdag ni Chiz, parang isang dekada na silang magkakilala ni Heart.
“Sa dami ng problema. Parang ang tagal na nating magkakilala.”
 
Kuwento ni Senator Chiz, mas maganda na nagsimula muna ang kanilang relasyon bago mangyari ang mga problema.
 
“[Bakit], aatras ka?” tanong ni Heart.
 
”Mas mahirap lang!” natatawang sagot ni Senator Chiz.