
Excited na ang Sparkle actor na si Sean Lucas para sa kauna-unahan niyang kontrabida role sa upcoming Gen Z series na MAKA.
Ayon kay Sean, hindi niya inaasahan na mapapasama sa cast ng MAKA. Kaya ganoon na lamang ang saya ng aktor nang sabihin sa kanya na kabilang siya sa teen show.
Dumagdag pa sa excitement ni Sean ang role na gagampanan sa MAKA dahil, aniya, ito ang unang beses na gagawa siya ng isang kontrabida role.
"Excited ako sa MAKA dahil ngayon lang ako magiging kontrabida... excited ako kung paano ko gagawin iyon," sabi niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com.
The cast of Gen Z series 'MAKA' during their pictorial
Sa MAKA, makikilala si Sean bilang Sean Angeles, transferee student sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts o MAKA.
"I play Sean Angeles. Si Sean, transferee siya sa school na 'to and galing s'ya sa Davao. Naging bully siya," paliwanag ni Sean sa karakter na gagampanan.
Bukod dito, excited din si Sean sa mga makakatrabaho sa bagong youth-oriented show na ito ng GMA Public Affairs kung saan makakasama niya ang kapwa Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, at May Ann Basa. Makakatrabaho rin niya ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
"Excited din akong makatrabaho [ang ibang cast] kasi first time naming makakatrabaho [ang isa't isa'] at saka friends ko na sila," sabi ni Sean.
Abangan si Sean sa MAKA, simula September 21, 4:45 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI SEAN LUCAS SA GALLERY NA ITO: