
“Nakakaloka lang si Kalokalike.”
Iyan ang naging reaksyon ni Gabbi Garcia sa pag-name drop sa kanya Kalokalike ni Black Rider star Ruru Madrid.
Usap-usapan ang contestant ng It's Showtime sa segment nitong “Kalokalike” na si Kevin. Bukod kasi sa kilig na kilig si Bianca Umali sa 'kalokalike' ng kaniyang real-life partner, meron din itong rebelasyon.
Aniya, isang artista na pinag-awayan umano nila ng aktres ay si “Gabbi,” na ikinagulat naman ng guest hurado.
Sa panayam kay Gabbi ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, pabirong sinabi ng aktres na baka ang tinutukoy ni 'kalokalike' Ruru ay si Gabby Concepcion.
“Alam mo, feeling ko si Gabby Concepcion talaga 'to. Parang hindi ako 'to,” ani Gabbi.
“Kidding aside, I'm happy for both Bianca and Ruru naman talaga and it's nice to see them happy din together,” sabi ng aktres.
Matatandaan na naging kapareha ni Ruru si Gabbi sa 2016 version ng Encantadia bilang sina Ybrahim at Alena. Sa isang panayam ni Ruru sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin niyang naging girlfriend din niya ang kaniyang ka-love team bago pa naging sila ni Bianca.
Ngayon na magkakatrabaho na muli sina Gabbi at Ruru, inamin ng aktres na nakakatuwang balikan muli ang kanilang mga karakter.
“Naglolokohan nga kami na after eight years, isipin mo, naging Alena at Ybrahim Ibarro ulit siya at ako. Nakaka-throwback lang, nakakatuwa,” sabi ni Gabbi.
BALIKAN ANG SPARKLING ACHIEVEMENTS NI GABBI GARCIA SA GALLERY NA ITO:
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Ruru Madrid na matagal na umano nang maging sila ni Gabbi at ngayon ay natutuwa lang siyang balikan ang kanilang mga karakter sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
“I mean, sa aming dalawa ni Gab, the last time na nakasama ko siya, sa taping ng Sang'gre. Nag-catch up kami, nagkuwentuhan kami, so you know, ang sarap lang sa puso na parang nagre-reunion lahat,” sabi ni Ruru.
Ngayon ay happy na rin si Gabbi sa kaniyang relationship sa kapwa Kapuso actor na si Khalil Ramos. Katunayan, looking forward na siya sa kanilang Hawaii vacation soon.
Happy rin umano si Ruru makitang maganda at masaya ang relationship nina Gabbi at Khalil. Aniya, “I'm very happy rin for her na she's doing her own thing na 'yun talagang pinapangarap niya before, ngayon ginagawa na niya and I think kitang-kita ko naman din 'yung happiness niya with Khalil.”
“Matagal na rin naman sila so we're very happy para po sa kanilang dalawa,” pagpapatuloy ng aktor.