Showbiz News

Antoinette Taus, may mensahe sa Royal Couple

By SAMANTHA PORTILLO
 
Comebacking sa local showbiz scene si Antoinette Taus. Nagsimula siya bilang child actress, at lalong sumikat sa teen-oriented show na TGIS, kung saan nakapartner niya si Dingdong Dantes.
 
Doon nadevelop sina Toni at Dong sa isa’t isa. Bukod sa kanilang onscreen romance ay naging sila na rin sa totoong buhay. 
 
Makalipas ang ilang taon ay naghiwalay sila. Pumunta sa States si Toni upang subukang mag-artista sa Hollywood, habang namayagpag naman ang career ni Dong bilang leading man sa GMA.
 
Ngayon, may kanya-kanya na silang pinag-aabalahan. Si Toni ay nagbalik sa Pilipinas upang mag-artista muli, habang si Dong ay ikakasal na sa kanyang nobya, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
 
Kabilang si Toni sa celebrity guests sa Fall/Winter 2014 collection launch ng isang jewelry line. Hindi naiwasang tanungin ang aktres tungkol sa kanyang reaksyon sa engagement ng Royal Couple.
 
Aniya, “I’m actually really happy that they finally decided to take this next step in their life together. I think it’s about time.”
 
Dagdag niya, “I mean, they should have even done it sooner, so I’m very happy for them and I really wish them the best sincerely.”