GMA Logo David Licauco
Photo Source: netflixph (IG)
What's Hot

David Licauco, pinaghahandaan na ang family time ngayong holiday season

By Karen Juliane Crucillo
Published December 17, 2024 12:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Ngayong holiday season, hinding-hindi makakalimutan ni David Licauco na maglaan ng oras para sa kanyang pamilya.

Puno ng excitement ang Pulang Araw na aktor na si David Licauco ngayong holiday season!

Bukod sa kanyang showbiz career, abala siya sa pagpaplano ng perfect holiday bonding kasama ang kanyang pamilya.

Kakabalik lang ni David sa Pilipinas galing sa kanyang Japan trip kasama si Dennis Trillo.

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

Ngayon, ready na ang aktor sa mga holiday celebration.

Ikinuwento ni David ang kanyang plano ngayong Pasko at New Year kasama ang kanyang pamilya sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

"I am going to Balesin with my family from the 24th to the 26th. Then, for the New Year's, I think I am going back to Bicol to my Lola's province, hopefully," sabi ni David.

Mayroon pa ngang pahabol na bakasyon si David sa unang buwan ng bagong taon.

Dagdag nito, "Sa end of January, I am going to Hong Kong."

Habang hindi pa nagsisimula ang mga holiday celebration ni David, abangan ito sa mga huling linggo ng Pulang Araw sa GMA Prime, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 pm.

Samantalang, kilalanin rito ang iba pang cast ng Pulang Araw: